Pinag-iingat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko laban sa Magdalo Party-list.
Sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Papua New Guinea, inihalintulad ng pangulo sa Islamic State (ISIS) ang mga sundalong Magdalo.
Ayon sa pangulo, walang ginawang mabuti ang naturang grupo na kundi ang manggulo gaya ng ginawang pag-aaklas ng mga ito nuon sa Makati City.
âBe careful with partidong Magdalo ito âyung mga rebeldeng sundalo na nagkalat diyan sa Makati pati sa Peninsula. And they destroyed everything, parang isis ang mga buang. wala silang alam kung âdi to kill, maghahamon, magbastos. Be careful again with military lalo na âyang mga rebelde tapos na-rehab because they were extended pardon by Aquino. So they became in a â sort of invincible na. Be careful with those guys. maniwala kayo.â Pahayag ni Duterte.
Samantala, binanatan din ng husto ng pangulo si Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon sa pangulo, tatakbo bilang kinatawan ng davao ang kanyang anak na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Ito ay bilang ganti aniya sa ginawang pamamahiya ni Trillanes kay pulong nang humarap ito sa imbestigasyon ng Senado ukol sa mga naipuslit na ilegal na droga sa Bureau of Customs (BOC).
âGanun si trillanes eh, bibirahin niya âyung mga pamilya mo hindi ikaw. ayaw ko sanang ikwento âyon but si Pulong ang ano niyan gaganti talaga âyan. He will be running for congressman. tabla sila diyan. ang sabi ko magkaaway man kayo ni trillanes pagdating ninyo sa congress, magbarilan kayo. At mamatay ka, ililibing kita. Pero, thatâs how it is.â Ani Duterte.
Kabilang aniya sa kabastusang ginawa ni Trillanes ay nang ipahiya din ng senador ang  nuoây defense secretary at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Angelo Reyes.
Ilang events sa APEC Summit hindi na dadaluhan ni Duterte
Hindi na tatapusin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aktibidad sa 26th Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economic leadersâ meeting.
Batay sa abiso na ipinadala ng Malakanyang, mapapa-aga ang uwi ng pangulo na sa halip na hapon ng Linggo ay magbabalik bansa ang punong ehekutibo mamayang alas onse kinse ng gabi.
Wala namang ibinigay na dahilan ang Malakanyang kung bakit napaikli ang APEC trip ng pangulo.
Ang mga cabinet secretaries ang kakatawan sa pangulo sa mga event na magaganap sa APEC bukas.
Matatandaang ilang aktibidad din sa ASEAN summit na ginanap sa Singapore ang hindi nadaluhan ng pangulo dahil sa kinailangan umano nitong bumawi ng kaunting tulog.