Publiko mahigpit na pinag-iingat kontra heat stroke

0
47

Mahigpit na pinag-iingat ng publiko laban sa heat stroke ngayong tag-init.

Nagpaalala ang mga eksperto na ang heat stroke ay ang pinaka-seryosong anyo ng heat injury at maituturing na medical emergency.

Kapag tinamaan ng heat stroke ay posibleng ma-damage ang utak at iba pang internal organs at pinakamalala ay ang mamamatay.

Kung hinihinalang na heat stroke ang isang tao maaaring gawin ang sumusunod bilang first aid, paypayan ang pasyente at basain ang kanyang balat ng tubig o punasan ng basang tuwalya.

Lagyan ng ice pack ang kanyang kili-kili, leeg at likod dahil ang naturang mga lugar ay puno ng blood vessel, makatutulong na bumaba ang temperatura sa ganitong paraan.

Maaari ring ilagay sa bath tub na puno ng malamig na tubig ang pasyente upang mabilis na mapababa ang temperatura.

Mabilis na tumawag ng ambulansya upang madala ang pasyente sa pinakamalapit na ospital.

—-