Public panel interview para sa mga aplikanteng papalit bilang SC Chief Justice itinakda na

0
11

Itinakda na ng Judicial and Bar Council o JBC sa susunod na buwan ang public panel interview ng mga aplikante sa pagka-chief justice.

Ayon sa JBC, gagawin ang interview sa October 2, 2019, Division Hearing Room ng Supreme Court Main Building sa Padre Faura, Maynila.

Mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali, unang isasalang sa interview sina Associate Justices Diosdado Peralta at Jose Reyes Jr.

Alas 2:00 hanggang alas 5:00 ng hapon naman isasailalim sa interview sina Associate Justices Andres Reyes at Estela Perlas-Bernabe.

Mababakante ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin ang pwesto dahil sa mandatory retirement age nito na 70 years old sa October 18, 2019.