PSE nagpatupad ng trading suspension sa shares ng ABS-CBN Corp.

0
20

Nagpatupad ang Philippine Stock Exchange (PSE) ng isang araw na trading suspension sa shares ng ABS-CBN Corporation.

Kasunod ito ayon sa PSE ng closure order na inisyu ng NTC laban sa Kapamilya network.

Sinabi ng PSE na sakop ng one day trading suspension ang shares ng ABS-CBN corporation at Philippine depository receipts ng ABS-CBN holdings corporation.

Ang shares ng ABS-CBN ay nagsara sa 17. 50 kahapon.