PRRC umaasang ipagpapatuloy ng gobyerno ang paglilinis sa Ilog Pasig

PRRC umaasang ipagpapatuloy ng gobyerno ang paglilinis sa Ilog Pasig

by Powered by DWIZ
16 views

Umaasa ang pamunuan ng inabolish na Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na ipagpapatuloy ng mga ahensya ng pamahalaan ang paglilinis ng Ilog Pasig.

Ayon sa inilabas na pahayag ng ahensya, nirerespeto nila ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuwag dito.

Anila, gagabayan nila ang mga kagawaran na hahawak sa mga proyekto sa Ilog Pasig para maayos na mailipat ang anumang obligasyon, tungkulin, dokumento at iba pang kinakailangan.

Magugunitang binuwag ang PRRC matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order number 93.

0 comment

Related Posts