31.9 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Provisional increase sa pasahe sa jeepney pinag-aaralan na ng LTFRB

- Advertisement -

Posibleng pagbigyan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang hirit na taas pasahe sa mga jeepney.

Iyan ang ipinahiwatig ng LTFRB sa harap na rin ng sunod – sunod na pagsirit sa presyo ng langis na ngayo’y nasa ika-9 sunod na linggo na.

Pero ayon sa LTFRB, tinatayang nasa singkuwenta sentimos lamang ang ipatupad na provisional increase batay na rin sa naging rekumendasyon ng NEDA o National Economic and Development Authority para sa mga jeepney habang piso naman sa ordinary bus.

Mas maliit ito kung tutuusin sa hirit na 12 pesos na minimum fare sa jeepney habang pasok naman ito sa hinihiling na 11 pesos na minimum fare sa mga non – aircon o ordinary buses.

Una rito, inihayag ng NEDA na maka-a-apekto sa annual inflation ngayong 2018 kung ibibigay ng LTFRB ang hirit na dagdag pasahe sa jeepney at bus mula Oktubre lalo na sa cost of living o gastusin maging sa presyo ng mga produkot at serbisyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -