Provincial prosecutor ng Oriental Mindoro sugatan sa pananambang

0
45

Sugatan ang prosecutor ng Oriental Mindoro matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Bayanan Uno, Calapan City.

Kinilala ni Police RegionalOoffice 4-B Spokesman Lt. Col. Soc Faltado ang biktima na si Josephine Olivar.

Agad namang isinugod ang biktimang si Olivar sa ospital kung saan ito binigyang ng lunas at nagpapagaling na sa mga tinamong sugat.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga nasa likod ng pag-atake.

(with report from Jaymark Dagala)