28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Provincial bus terminals sa EDSA posibleng tanggalan ng business permit ng MMDA

- Advertisement -

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patanggalan ng business permits ang mga provincial bus terminals sa kahabaan EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, target nilang kausapin ang mga local government unit (LGU) hinggil sa plano na tiyak aniyang makatutulong sa pagluwag ng trapiko sa EDSA.

Aniya, magiging malaking kaluwagan ang pag-aalis sa mga provincial bus terminals sa EDSA dahil malilinis nito ang mga choke points sa nabanggit na kalsada.

Dagdag ni Garcia, suportado ng pamahalaan ang plano nilang pagpapatanggal sa business permits ng mga provincial bus terminal sa EDSA at sa katunayan ay may liham sila mula sa Malakanyang na balak nilang ibigay sa mga LGU.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -