Programa ng gobyerno sa KALINISAN isinagawa sa mga kapaligiran ng siudad ng Baguio

0
56

Baguio City – Ang Department of the Interior and Local Government-sa rehion Cordillera ay nanguna sa the KALINISAN o ang tinatawag na Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan) sa paglulunsad ng programa nito sa South Sanitary Camp Barangay, dito sa lungsod ng Baguio noong Sabado ng umaga. 

Nagpahayag ng pasasalamat si DILG-CAR Assistant Regional Director Ruperto Maribbay Jr. para sa mainit na pagsuporta sa paglulunsad ng naturang programa at binigyang diin ang pangangailangan ng patuloy na patutulungang pagsisikap upang itaguyod ang pagkukusa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa buong bansa, sa pagpapaunlad para sa malinis at ligtas na kapaligiran. 

Kanyang idinagdag na ito ay magtutulak sa mga lokal na gobierno gumawa pa ng mahusay at mahikayat pa ang kommunidad na lumahok naka akla ito sa tradisyon ng bayanihan.

Nagpahayag ng pagpapahalaga si Mayor Benjamin Magalong sa nakilahok sa KALINISAN Program, at hinikayat pa niya ang mga barangay sa lungsod na ipagpatuloy nila ito upang maging ligtas at malinis ang kapaligiran sa Baguio.

Sila DSWD-CAR OIC Regional Director Enrique Gascon, DENR-CAR Asst. Regional Director Benjamin Ventura, at PIA-CAR Regional Director Helen Tibaldo nagpahayag ng pagsuporta sa paglulunsad nito at sinundan ng paglilinis sa naturang kommunidad. 

Matatandaan na si Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng Proclamation No. 316, ay nagtatalaga ng unang linggo ng Enero bilang Community Development Week at Enero a 6 ng bawat taon bilang Community Development Day.

Sa kaugnay na balita, ang Baguio City Police Office ay aktibong sumali sa sabay sabay na paglulunsad ng KALINISAN ang Kalinga at Inisyateba para sa Malinis na Bayan na Programa sa Barangay South Sanitary Camp noong Sabado ng umaga. 

Ang programang KALINISAN ay isang pagtatagpo na pangunguna upang pagsamasamahin ang pagsisikap ng gobierno upang mapanatili at bigyan ng malusog at ligtas na kapaligiran upang gawing mahusay ng mga lokal na gobierno at kommunidad na sumali nakaangla sa tradisyon ng Bayanihan.

Ang kaganapan ay dinaluhan ni City Mayor Benjamin B. Magalong at ni binibining Melicent Carino, City Director, DILG-Baguio City, at sinaksihan ng iba’t ibang ahensiya ng gobierno, regional directors at opisyal sa kommunidad para sa malinis at napapanatiling lungsod ng Baguio. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)

 

Leave a Reply