30 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

Produktong petrolyo muling tataas ngayong araw

- Advertisement -

Muling nagpatupad ng dagdag presyo sa oil products ngayong araw na ito.

Epektibo kaninang alas sais ng umaga, ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ang ika-limang serye ng oil price hike.

Ayon sa Department of Energy (DOE), papalo sa 65 sentimo ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel, gasolina at kerosene.

Isinisisi sa mataas na presyo ng petrolyo sa world market ang panibagong dagdag presyo.

Batay sa record ng DOE, ang presyo ng gasolina sa Metro Manila ay naglalaro sa pagitan ng P47 hanggang P64. Ang diesel nasa P42. 30 hanggang P48.10 at nasa P47. 42 hanggang P52. 66 naman ang presyo ng kerosene.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -