Procurement power nasa PNP pa rin — Gamboa

Procurement power nasa PNP pa rin — Gamboa

by Powered by DWIZ
34 views

Nilinaw ni PNP Chief Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa na nananatili pa rin sa PNP ang kapangyarihang bumili ng kanilang sariling gamit.

Ayon kay Gamboa hindi naman ganap na tinanggal ang procurement power ng PNP.

Gayunman kinakailangan lamang aniyang ipa-review kay DILG Secretary Eduardo Año ang mga procurement ng PNP para masiguro ang transparency.

Magugunitang unang sinabi ng Pangulo na si Año na ang bahala sa procurement ng PNP matapos na makarating sa kanyang kaalaman ang tungkol sa umano’y “overpriced” speed guns na balak kunin ng PNP.

Pero una naring pinaliwanag ni Gamboa na nagkaroon lang ng “misunderstanding” tungkol sa mga naturang speed guns at hindi pa talagang nabibili ng PNP ang naturang kagamitan. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)

0 comment

Related Posts