Problema ng pagbaha sa MCIA 2 matutugunan na – ayon sa DOTr

0
68

Tiniyak ng DOTr o Department of Transportation na hindi na makararanas ng pagbaha ang mga pasahero sa terminal 2 ng Mactan-Cebu International Airport.

Ito ay matapos na umapaw ang tubig sa tulay ng resort airport na konektado sa ‘drop off zone’ ng mga pasahero dahil sa malakas at walang tigil na pag-ulan.

Ayon sa DOTr, nagpatupad na ng ‘corrective work’ ang operator ng paliparan na GMR Megawide consortium at kinukumpleto na ng mga ito ang “gutter installation” na ikokonekta sa ‘rainwater drainage system’Maliban dito, ikinokonsidera na rin ng pamunuan ng paliparan  ang paglalagay ng “side grill” o “roll down plastic” para hindi pasukin ng tubig ang ‘link bridge’ sa tuwing may kalakasan ang pag-ulan.