Probisyon ng panukalang divorce isinusulong

0
41

Isinusulong ngayon ng isang senador ang amendment sa probisyon ng panukalang diborsyo.

Ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, magrerekumenda siya ng amendment sa naturang panukala kung saan ipalalagay niya na dapat isang beses lang puwedeng makipag-diborsyo ang isang may asawa.

Sa kaniyang twitter account, sinabi ng senador na sa oras na magkamali ang isang nakipag-diborsyo ay hindi na ito maka-uulit pa.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Lacson na sa ngayon na nasa hindi pa umuusad ang panukalang diborsyo ay wala pa siyang malinaw at matibay na posisyon hinggil dito.

With report from Cely Ortega-Bueno