Prince Harry, Meghan Markle tuluyan nang nilisan ang UK

Prince Harry, Meghan Markle tuluyan nang nilisan ang UK

by Powered by DWIZ
37 views

Tuluyan nang nilisan ni Prince Harry ang United Kingdom (UK) para mamuhay ng normal sa Canada kasama ang kaniyang asawang si Meghan at anak na si Archie.

Ayon sa Daily Telegraph Newspaper ng UK, tinapos lang ni Prince Harry ang mga huling engagements nito bilang bahagi ng Royal Family bago tuluyang mag biyahe pa-Canada.

Alas-5:30 ng hapon kahapon nang sumakay ng eroplano si Prince Harry patungong Vancouver mula sa Heathrow Airport at inaasahang makakapiling na ang kaniyang mag-ina ngayong Martes, Enero 22.

Una rito, si Prince Harry, na apo ni Queen Elizabeth II, ay nananatiling nasa ika-anim na ranggo sa Royal Throne.

0 comment

Related Posts