Ipinatatakda ni Quezon City Representative Hipolito-Castelo sa ₱2,000 ang halaga ng RT-PCR o swab test.
Ito ay kasunod na rin ng pagsuporta ng mambabatas sa plano ng Department Of Health (DOH) na mag-atas ng iisang presyo para sa swab test para sa mga hinihinalang may Corona Virus Disease (COVID-19).
Ayon kay Castelo, dapat na gawing abot kaya ang presyo ng mga ito upang mahikayat ang mga mahihirap na makapag-swab test sakaling makaramdam ng anomang sintomas ng COVID-19.
Batay kasi aniya sa kanyang natanggap au iba iba ang presyo ng swab test lalo na sa mga pribadong ospital kung saan sobrang taas ng halaga nito.
Dagdag pa ni Castelo, kahit naman itakda sa ₱2,000 ang presyo ng swab test ay makakalikom parin naman ng kita dito ang mga pagamutan at laboratoryo dahil sa dami ng mga pasyenteng oobligahing magpa-test.
Matatandaang ang presyo ng RT-PCR o swab test ng Philippine Red Cross ay pumapalo sa 3k at ₱500 habang nasa ₱12,000 at ₱500 naman ang halaga nito sa mga pribadong ospital sa bansa.