Sunday, May 5, 2024

Presyo ng mga pangunahing bilihin bababa simula ngayong buwan

- Advertisement -

Asahan na simula ngayong buwan ang unti-unting pagbaba ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ito, ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia, ay dahil sa mga hakbang ng Duterte administration tulad ng pagtanggal sa non-tariff barriers sa importasyon ng bigas at iba pang food products.

Inaasahan na rin anya nila ang pagbaba ng inflation rate sa target range ng gobyerno na dalawa hanggang apat na porsyento sa susunod na taon.

Bukod pa ito sa patuloy na pagbaba ng presyo ng langis kada bariles sa international market.

Samantala, nakatakda namang ilabas ng gobyerno bukas ang official inflation figures.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img