Radio Philippines Network
Headlines National News

Presyo ng manok sa merkado nananatiling mababa

Nananatiling mababa ang presyo ng manok sa merkado sa kabila ng mataas na demand ngayong papalapit na ang pasko.

Ito’y ayon sa United Broilers Raisers Association (UBRA) sa kabila ng pangamba ng mga mamimili na tumaas ang presyo ng manok dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF) sa karneng baboy.

Ayon sa UBRA, nakapako sa 110 hanggang 115 pesos ang farm gate price ng isang buong manok kung saan, mabibili naman ito sa halagang 165 pesos.

Para naman kay Rosendo So, tagapangulo ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), hindi na kailangan na tumaas pa ang presyo ng manok dahil sapat naman ang suplay nito.

Pero apela ng mga tindero ng manok sa mga palengke, tiyak na malulugi sila kung hindi umano sila papayagang magtaas ng presyo sa manok lalo na kung pipilitin silang ibaba pa ito.

Una nang nagtaas ng 160 pesos kada tray ang presyo ang itlog sa mga palengke bunsod naman ng kakulangan sa suplay nito.

Related posts

80% ng balotang kailangan para sa 2019 polls tapos nang mailimbag — Comelec

Powered by DWIZ

Operasyon ng Mislatel posibleng pormal na magsimula sa Marso

Powered by DWIZ

Pagpanaw ni Gokongwei itinuturing na malaking kawalan sa ekonomiya ng Pilipinas—Palasyo

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More