Presyo ng bigas posibleng bumaba sa 25 pesos kada kilo ayon sa NEDA

0
47

Posibleng bumaba sa 25 pesos kada kilo ang presyo ng bigas sa oras na magsimulang dumating ang mga karagdagang import.

Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority o NEDA sa unang araw ng implementasyon ng Rice Industry Modernization Act.

Pinawi rin ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon ang pangambang wala nang mabibiling murang bigas ang mga mahirap sa sandaling itigil na ng National Food Authority ang pagbebenta ng subsidized rice na 27 pesos per kilo.

Nilinaw ni Edillon na asahan na mas magiging mura ang commercial rice kumpara sa presyo ng NFA sa pagdating ng mga inangkat na bigas mula ibang bansa.

Halimbawa na lamang anya ang bigas mula Vietnam na nasa 18 pesos ang presyo kada kilo at kung papatawan ito ng taripang 35% ay aabot lamang ang presyo nito sa 24 pesos sa mga pamilihan.