Presyo ng bigas patuloy ang pagbaba

    0
    21

    Patuloy na bumabagsak ang presyo ng bigas sa bansa.

    Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez natapyasan pa ng P10 ang halaga ng kada kilo ng bigas sa merkado.

    Ito aniya ay matapos na sumadsad sa P40 ang dating P49 na halaga ng kada kilo ng well-milled rice sa mga pamilihan.

    Sinabi ni Lopez, sa kasalukuyan nasa P10-B ang halaga ng pondong inilaan ng pamahalaan bilang ayuda sa mga magsasakang apektado ng mababa ring presyo ng palay.