Contact tracing ng DOH mas pinaigting matapos maitala ang unang local transmission ng COVID-19 sa bansa

    0
    23

    Mas pinaigting at pinalawig na pag-contact tracing ang ipatutupad ng Department of Health (DOH) matapos na maitala ang local transmission ng COVID-19 sa Pilipinas   .

    Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, ito ay upang mapigilan pa ang pagkalat ng virus sa Pilipinas kasunod na rin ng naitalang anim na kaso ng COVID-19 sa bansa.

    Kaugnay nito, muli namang iginiit ni Duque na dapat nang magdeklara ng public health emergency sa bansa upang makapag labas ng sapat na pondo,           at para rin mas matutukan ng lokal na pamahalaan ang pagtugon sa COVID-19.