Tinamaan na rin ng coronavirus disease (COVID-19) ang ilang tripulanteng Pinoy na lulan ng Grand Princess cruise ship sa San Francisco, California.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Grant Tarling, Chief Medical Officer ng Cruise Operator Carnival Corporation kung saan sinabi nitong may ilang pasaherong lulan ng naturang cruise ship ang nagpositibo na sa virus.
Gayunman, hindi naman nito tinukoy ang eksaktong bilang ng mga Filipinong nagpositibo sa virus ngunit tiniyak nitong naka-isolate na at kasalukuyan nang binibigyan ng atensyong medikal ang mga pasaherong nagpositibo at nakitaan ng sintomas ng sakit.
Nabatid na nasa kabuuang 3,500 ang kabuuang bilang ng pasaherong sakay ng Grand Princess cruise ship na nakadaong sa California.