Presyo ng bigas ‘di natitinag —DA

0
45

Patuloy ang pagiging matatag ng presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa.

Ito’y batay sa isinagawang monitoring ng Department of Agriculture sa mga palengke na aabot lamang sa P32.00 hanggang P35.00 kada kilo ng pinakamurang bigas.

Habang ang mga imported na mga bigas naman ay naglalaro lang sa P45.00 hanggang P47.00 kada kilo.

Nabatid din ng ahensya na tumaas sa higit P18.00 ang bentahan ng palay nitong Agosto ng taong 2020 kumpara noong nakaraang taon.