Presiential yacht BRP Ang Pangulo handa nang tumanggap ng COVID-19 patient

0
13

Handa nang tumanggap ng mga pasyenteng positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang presidential yacht BRP Ang Pangulo (ACS-15).

Ito ang inanunsyo ng Philippine Navy makaraang matapos na ang pagsasaayos nito para magsilbing hospital ship.

Ang “BRP Ang Pangulo” ay kaya umanong mag-accomodate ng kabuuang 28 pasyente kabilang ang limang medical personnel.

Sinisiguro umanong maoobserba sa loob ng barko ang 3-metrong distansya ng bawat pasyente habang may mga itinalagawang hiwalay na lugar para sa mga pasyente at medical staff.