Friday, May 3, 2024

Presidential Spox Harry Roque ‘on leave’ na simula ngayong araw

- Advertisement -

Opisyal nang lumiban sa kanyang trabaho bilang Presidential Spokesman si Secretary Harry Roque.

Batay ito sa advisory ng Malacañang na ipinadala sa Malacañang Press Corps.

Pasado alas-8:30 umano ng umaga nang magbigay pa ng pasabi ang tanggapan ni Roque na magkakaroon ito ng press briefing dakong alas-11:00 ng umaga.

Gayunman, makaraan lamang ang limang minuto, isang anunsyo uli ang dumating na nagsasabing kanselado na ang press briefing dahil ‘on leave’ na si Roque.

Una nang nag-anunsyo si Roque na pag-iisipan niya nitong weekend kung babalik pa sa kanyang trabaho dahil pakiramdam niya ay hindi na siya epektibong tagapagsalita ng Pangulo.

Matatandaan na pinagsabihan ng Pangulo si Roque na huwag nang tumakbong senador dahil bibigyan niya ito ng bagong posisyon.

Sinasabing desidido ang Pangulo na buhayin ang Office of the Press Secretary.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img