31.6 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Preparasyon para sa traslacion ng Itim na Nazareno kasado na

- Advertisement -

Nananatili ang full alert status ng NCRPO o National Capital Region Police Office bilang bahagi ng kanilang pagbabantay sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, kasado na ang kanilang paghahanda kung saan mahigit 7,000 pulis ang kanilang ipakakalat para sa nabanggit na okasyon.

Hahatiin aniya ang mga nasabing pulis para italaga sa inilagay na sampung segments sa ruta ng prusisyon mula Quirino Grandstand hanggang simbahan ng Quiapo.

Sinabi pa ni Eleazar, hihilingin din nila sa ibang ahensiya ng pamahalaan na magpatupad ng ‘no fly at no sail zone’ gayundin ang pagpapatay sa signal ng telekomunikasyon habang isinasagawa ang traslacion.

Dagdag ni Eleazar, ngayon palang, sinimulan na ang pagpapakalat ng mga pulis dahil sa halos araw araw na aktibidad ng simbahan ng Quiapo kabilang na ang first friday mass sa Enero 4 at blessing ng mga relica sa Enero 7.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -