35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Preparasyon para sa ikatlong SONA bukas ni Pangulong Duterte plantsado na

- Advertisement -

Plantsado na ang isinisagawang paghahanda ng PNP o Philippine National Police para sa ikatlong SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.

Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Guillermo Eleazar, napagkasunduan sa kanilang isinagawang diyalogo na magsagawa ng programa ang mga militanteng grupo sa tapat ng St. Peters Church sa Commonwealth Avenue.

Habang itinakda naman sa IBP Road tapat ng Corazon Aquino Elementary School ang mga pro Duterte groups na magsasagawa rin ng programa.

Muli ring tiniyak ni Eleazar na walang dalang baril ang mga pulis na itinalaga bilang sa civil disturbance management habang hindi rin maglalagay ng mga barikada at barbed wire sa harapan ng Batasan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -