27.2 C
Manila
Thursday, April 18, 2024

‘Josie’ lalabas ng PAR ngayong araw; panibagong bagyo nakaamba

- Advertisement -
(5AM Update)

Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong araw ang bagyong Josie na kasalukuyan nang kumikilos patungong northeastern Taiwan.

Huling namataan ang bagyo sa layong 475 kilometro hilaga hilagang-silangan ng Basco, Batanes.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong papalo sa 65 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-hilaga kalurang direksyon sa bilis na 20 kph.

Ayon sa PAGASA, asahan pa rin ang patuloy na kalat-kalat at malawakang pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoo, Palawan, at Western Visayas dahil sa habagat na pinalalakas pa ng bagyo.

Habang paminsan-minsang mga pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

Pinag-iingat pa rin ang mga residente sa mabababa at bulubunduking mga lugar laban sa posibleng mga pagbaha at landslide.

Samantala, isang panibagong sama ng panahon ang binabantayan ng PAGASA na nasa layong 1,230 kilometro silangan ng Southern Luzon na posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.—AR

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -