Thursday, May 2, 2024

Pre-pandemic normal, posibleng maranasan na sa susunod na taon –– UP-OCTA

- Advertisement -

Posibleng maranasan na ng mga Pilipino ang bumalik sa pre-pandemic normal pagsapit ng Enero ng susunod na taon.

Ito ang ipinahiwatig ng UP-OCTA research team kasunod na rin ng magandang balitang unti-unti nang naaabot ang flattening of the curve o ang pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Ayon kay Prof. Guido David ng University of the Philippines (UP-OCTA) reasearch team, bagama’t unti-unti nang lumuluwag ang ipinatutupad na community quarantine sa bansa, kaakibat naman nito ang pananagutan ng bawat isa na sundin ang minimum health standards upang hindi mahawaan ng virus

Naiintindihan ko naman na naiinip na yung mga tao, kunting pasensya na lang natin. Actually, mapagsunod naman yung mga Pilipino  at kaya din natin yung disiplina na ganyan, nakita na naman natin, kasi nakita na natin sa Cebu. Sabi nga nila matitigas din yung ulo sa Cebu, nagkaroon ng surge dun pero ngayon GCQ na sila, mababa na din so, parag na-realize ng mga tao sa Cebu na kailangan talaga gawin ‘to para hindi na sila bumalik sa mas strrict na quarantine,” ani David.

Binigyang diin pa ni Prof. David na kahit may lumalabas nang mga bakuna kontra COVID-19, sinabi nito na mas mainam kung pananatilihin ng mga Pilipino ang disiplina at pagmamalasakit sa kapwa upang tuloy-tuloy nang mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa

‘Yang vaccine kasi medyo matatagalan pa ‘yan, baka mga next year pa ‘yan. Siguro nagkaroon ng pag-asa yung mga tao pero syempre medyo matatagalan pa din ‘yan kasi marami pang clinical trials na gagawin bagong maging commercial yung mga vaccine na ‘yan. Kailangan nating ma-solved ‘tong COVID pandemic kahit wala pa yung vaccine, ‘wag tayong nakaasa dun sa vaccine kasi hindi naman natin masasabi kahit magka-clinical trials kung magiging successful ‘tong mga vaccines,” ani David. — panayam mula sa Balitang 882.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img