28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

PRC patuloy ang pagbibigay ng tulong-medikal sa kasagsagan ng Traslacion 2020

- Advertisement -

Umaabot na sa mahigit 700 indibiduwal ang nabigyan ng tulong medikal ng Philippine Red Cross (PRC) sa gitna ng paghahanda at pag-usad ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon sa PRC, mula kahapon, ika-8 ng Enero hanggang alas-9 kaninang umaga, nasa apat (4) na pasyente na ang kanilang isinugod sa mga ospital.

12 ang hinimatay, 165 ang nakaranas ng minor injuries tulad ng pagkahilo, hirap sa paghinga at pagtaas ng blood pressure habang 29 ang binigyan ng psychological first aid.

Umaabot naman sa 524 ang nagpakuha ng blood pressure.

Una nang sinabi ni Prc Chairman, Senador Richard Gordon, na nasa 1,000 mga volunteers ang kanilang ipinakalat sa 13 first aid stations at welfare desks.

Nagkapagdeploy din ang PRC ng isang emergency medical unit at 15 ambulance.

Habang nakaistandbay naman ang 32 dalawa pang ambulansya, dalawang water tankers, tatlong rescue boats, isang amphibian, isang rescue truck at isang fire truck.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -