Pradesh, India niyanig ng M6.1 lindol

0
56

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ngayong umaga ang Pradesh sa India.

Ayon sa U.S. Geological Survey, naitala ang pagyanig sa layong 180km South-West ng Itanagar.

Naramdaman ito 1:45 ng madaling araw sa India, 4:15 naman ng umaga kanina, oras sa Pilipinas.

Tinatayang nasa 1.2 million ang populasyon sa Pradesh.

Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung nagdulot ng pinsala ang malakas na pagyanig.