PPCRV all systems go na

0
50

“All systems go” na ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa 2019 midterm elections sa Lunes.

Ito ay kasabay nang pagbubukas ng PPCRV sa kanilang command centers, na magbabantay naman sa bilang ng mga boto sa eleksiyon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni PPCRV Chairperson Myla Villanueva, na aabot sa 300,000 volunteers ang kanilang ipakakalat sa Lunes upang magsilbi sa gaganaping halalan.

—–