29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Potential bidders para sa ikatlong telco pinangalanan na ng DICT

- Advertisement -

Pinangalanan na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga potential bidder para sa pagpasok ng ikatlong major telecommunications firm sa bansa.

Kabilang sa mga magbi-bid ang consortium na kinabibilangan ng LCS Group ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson at Davao-based internet service provider na Tierone Communications ni Jonathan Bentley-Stevens.

Personal na nagpunta sina Singson at Stevens sa tanggapan ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Quezon City para sa bid documents.

Ang Tierone ang provider ng broadband internet sa autonomous region in Muslim Mindanao na mayroong mga tanggapan sa Sultan Kudarat, Samal City, Davao del Norte at Ortigas Center sa Pasig City.

Pasok din sa bidding ang mga local firm na PT and T, Now Corporation, Converge ICT, Transpacific Broadband Group at Easycall.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -