Positibong kaso ng COVID-19 sa bansa umabot na sa mahigit 500

0
17

Kumpirmadong kaso ng nagpositibo sa COVID-19, pumalo na sa 552.

Pumalo na sa 552 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pulong balitaan, inihayag ni Usec. Maria Rosario Vergeire na nagtala ng 90 panibagong nagpositibo sa COVID-19.

Habang 35 katao na ang namatay bunsod ng virus, at 20 katao naman ang nakarekober dito.

Samantala, ayon kay Vergeire ang pagdami ng mga nagpopositibong kaso ng COVID-19 ay bunsod ng pagtaas ng kakayanan ng bansa na magsagawa ng testing.

Sa panulat ni Ace Cruz.