Posibleng pag-urong ng klase sa Hunyo dedesisyunan na ng DepEd

0
54

Dedesisyunan na ng Department of Education (DepEd) kung iuurong nila ang enrollment at pagsisimula ng klase sa Hunyo.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, posibleng bago matapos ang enhanced community quarantine sa Abril 30 ay magkapagpalabas na sila ng desisyon.

Kumukonsulta pa anya sila sa mga paaralan at sa mga magulang kung ano ang makakabuti para sa mga estudyante.

Sakali anyang iurong nila sa Agosto ang pagsisimula ng klase, matatapos ito sa panahon na ng tag-init sa susunod na taon.

Marami anyang paaralan ang hindi handa sa matinding init na siya pa namang kasagsagan ng summer diseases sa mga bata.