Posibleng martial law extension sa Mindanao sisimulan na pag-aralan ng AFP

0
58

Sisimulan na ang pag-aaral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung dapat bang palawigin o hindi ang martial law sa Mindanao na nakatakdang matapos sa Disyembre 31.

Sa pulong balitaan, sinabi ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na kanilang bibisitahin ang Eastern Mindanao Command at Western Mindanao Command upang kanilang mas mapag-aralan ang sitwasyon sa lugar.

Kasama umano nilang magtutungo sa rehiyon ang mga kinatawan mula sa religious at local government sector pati na ang Philippine National Police (PNP).

Una rito, sinabi ng Malakanyang na wala pang natatanggap ang kanilang hanay na rekomendasyon mula sa PNP at AFP kung palalawigin ang batas militar na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao matapos sumiklab ang giyera sa Marawi City nuong Mayo 2017.