31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Posibilidad ng volcanic tsunami ibinabala ng PHIVOLCS

- Advertisement -

Ibinabala ng PHIVOLCS ang posibilidad ng volcanic tsunami oras na umakyat na sa alert level 5 ang Bulkang Taal.

Ayon kay Ma. Antonia Bornas, chief ng Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division ng PHIVOLCS, kanilang nakikitang “worst case scenario” ang matagal at tuloy-tuloy na mga aktibidad ng Taal.

Aniya, karaniwang nagsisimula sa maliliit ang aktibidad ng Bulkang Taal kung saan nagsimula ito sa phreatic eruption at sinundan ng lava fountaining kaninang umaga.

Sinabi ni Bornas, ilan sa mga palatandaan din ng pag-aalburuto ng Taal ang inaasahang lalabas sa ilang mga bayan na nakapaligid dito.

Tulad aniya ng pagbibitak-bitak ng lupa dahil sa paglalabas ng magma na naitala na noon sa bayan ng Lemery, Taal at San Nicolas.

Dagdag ni Bornas, may panganib din ng pagguho at pag-liquify o paglabot ng lupa sa paligid ng lawa.

Sakaling maging maulan din aniya, may posibilidad din ng pagkakaroon ng lahar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -