Posibilidad ng pagpapalawig ng ECQ sa Metro Manila tatalakayin ng MMC sa May 9

0
21

Nakatakdang talakayin ng Metro Manila Council (MMC) sa kanilang pulong bukas, ika-9 ng Mayo, ang posibilidad ng muling pagpapalawig sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila hanggang ika-15 ng Hunyo.

Ito ay sa gitna ng inaasahang pagpapatupad na ng mas maluwag na general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang lalawigan sa bansa sa ika-16 ng Mayo.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, chairman ng konseho na binubuo ng mga alkalde sa Metro Manila, kanilang isusumite ang mabubuong rekomendasyon sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ani Olivarez, maaaring mahirapan ang mga alkalde sa Metro Manila na kaharapin ang mga posibleng kahinatnan sakalinh maagang tanggalin ang ipinatutupad na ECQ.

Una nang sinabi ni Olivarez na tutol ang mga Metro Manila mayors na magpatupad lamang ng piling siyudad na isasailalim sa GCQ at ilang mananatili sa ECQ.