‘Pork barrel’ ng ilang mambabatas ‘di uubra kay Velasco —Atienza

0
53

Tiwala si Buhay party-list Representative Lito Atienza na hindi pupwede sa bagong papasok na liderato ng kamara ang mga tagong pork barrel ng ilang mambabatas.

Ito’y kasunod ng balitang susundin nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Congressman Lord Allan Velasco ang nauna nitong kasuduan o “gentleman’s agreement” hinggil sa term sharing.

Ayon kay Atienza, hindi uubra kay Velasco ang gawi ng ilang mambabatas na mayroong pork barrel.

Binigyang diin din nito, na walang epekto sa pagpapasa ng pambansang budget ang pagpapalit ng liderato ng kamara.

Nais lang, ani Atienza, na panatilihin ni Velasco ang mga kasalukuyang posisyon para hindi maantala ang ginagawang pagtalakay sa pambansang budget sa susunod na taon.

Sa huli, nanawagan si Atienza kay Cayetano na itigil na nito ang pagsisinungaling at pagtuunan na lamang ang mga isyu sa kamara.