Pagbulusok ng ekonomiya ng bansa sa 3rd quarter ng taon inaasahan- NEDA

0
63

Posibleng sumadsad ang ekonomiya ng Pilipinas sa ika-3 quarter ng taon.

Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, umaasa sila na mas maganda ang resulta nito kumpara noong ika-2 quarter ng taon kung saan pumalo sa 16.5% ang naitalang Gross Domestic Product (GDP).

Aniya, kung ikukumpara naman ang resulta ng quarter-by-quarter ay magiging positibo ito base na rin sa datos ng July Labor Force Survey (LFS).

Gayunman kung taon-taon naman aniya ito ibabase ay posibleng maging negatibo parin ang resulta.

Matatandaang sumadsad ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taon bunsod ng ipinatupad na quarantine measures ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Samantala, batay naman sa pinakahuling economic update ng World Bank, kulelat ang Pilipinas at Indonesia sa pagkontrol ng COVID-19 pandemic sa East Asian countries kung saan posibleng sumadsad sa 6.9% ang ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon at maaari pang maging 9.9 % samantalang 1.6% naman hanggang 2% sa Indonesia.

Anila ang pagsadsad ng ekonomiya ng Pilipinas ay bunsod parin ng pandemyang COVID-19, kung saan paulit-ulit na nagpapatupad ang pamahalaan ng lockdown at re-openings sa bansa.