29.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Pork barrel hindi ibabalik ng Kamara sa pamumuno ni Arroyo

- Advertisement -

Hindi ibabalik ang pork barrel fund sa ilalim ng liderato ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Tiniyak ito ni House Minority Floor leader Danilo Suarez dahil susundin ng kamara ang naging desisyon ng Korte Suprema na iligal ang pork barrel fund.

Ayon naman kay Ako Bicol Representative Alfredo Garbin, line item budgeting na lang ang meron ngayon dahil wala na aniyang post enactment intervention dahil sa kaniya kaniyang ahensya na napupunta ang implementasyon ng mga proyekto.

Sinabi nina Suarez at Garbin ang papel na lamang ng mga kongresista ay oversight power para matiyak na naipatutupad ang mga programa at ang alokasyon ng pondo ay nagagamit ng tama sa pinaglaanan nito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -