Pope hinikayat ang mga pari na dalawin ang mga pasyenteng may COVID-19

0
41

Hinikayat ni Pope Francis ang lahat ng mga paring katoliko na lumabas at dalawin ang mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kanyang naging mensahe sa pinangunahanng misa para sa visiting clergy sa Vatican, humingi ng dasal si Pope Francis para bigyan ng lakas at tapang ang mga paring katoliko na lumabas.

Ito aniya ay para mabisita ang mga may sakit at masamahan ang mga medical staff at volunteers sa kanilang mga trabaho sa gitna ng COVID-19 outbreak.

Una nang kinansela ni Pope Francis ang pagsasagawa ng misa sa harap ng publiko para maiwasan ang pagtitpun-tipon ng mga tao, bilang hakbang para labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa halip, pinangunahan ni Pope Francis ang misa sa pamamagitan ng video livestream sa St.Martha house sa Vatican.