Pope Francis negatibo sa COVID-19

0
20

Nag-negatibo si Pope Francis sa coronavirus disease (COVID-19).

Batay sa ulat, agad na nagpasuri ang Santo Papa matapos na magkaroon ng sipon na isang sintomas ng COVID-19.

Dahil dito, pansamantalang kinansela ng Santo Papa ang lent retreat gayundin ang lahat ng public meetings nito.

Samantala, nasa mahigit 2,000 katao na ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa Italy habang 52 naman ang naitalang nasawi.