Tumaas ng halos tatlumpu’t limang porsyento ang panukalang budget ng PAO o Public Attorney’s Office para sa susunod na taon.
Katumbas ito ng apat punto dalawang daan at siyamnapu’t limang milyong pisong dagdag na pondo mula sa kasalukuyang tatlo punto isang daan siyamnapu’t pitong milyong piso.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kaugnay ng 2019 budget, sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na kakailanganin nila ang karagdagang pondo para sa sahod ng mga dagdag na empleyado ng ahensiya.
Paliwanag ni Acosta, aabot sa halos animnaraan ang mga bagong abogado ng PAO na nakatakda nang manumpa sa darating na Lunes.
Alinsunod aniya ito sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing one is to one ang ratio ng abogado ng PAO at kanilang kliyente.