Pondo ng Malakanyang gagamitin para mapigilan ang pagkalat ng ASF

0
23

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng pondo ng Malakanyang para mapigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).

Ito ay matapos hilingin ni Agriculture Secretary William Dar na gamitin nalang bilang ayuda sa mga apektadong hog raisers ang natitirang pondo ng Office of the President.

Ayon kay Presidential Salvador Panelo, gagamitin rin ang naturang pondo para maglagay ng mga cold storage areas sa pantalan ng Manila, Subic, Batangas, Cebu at Davao para sa 100% pagbabantay sa mga papasok na meat products sa bansa.

Samantala, hindi naman nabanggit ang kabuuang halaga na ibibigay ng Malakanyang sa Department of Agriculture (DA).