35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pondo mula sa Build, Build, Build program hindi pa ginagalaw ng pamahalaan vs. COVID-19

- Advertisement -

Hindi pa ginagalaw ng pamahalaan ang pondo para sa big-ticket infrastracture programs ng gobyerno na “Build Build Build” program.

Ito ay dahil malaki ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa Build, Build, Build program, kung saan una nang sinabi ni Finance Sec. Wendel Avisado na nasa proseso pa ang pamahalaan para humanap ng pondo bilang pag tugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesman at Cabinet Sec. Karlo Alexi Nograles, hindi pakiki-alaman ng gobyerno ang pondo para sa Build, Build, Build.

Aniya, malaki kasing ng ekonomiya ang Build, Build, Build na inaasahang makapagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Matatandaang sa ilalim ng inaprubahang bayanihan to heal as one act mayroong kapangyarihan ang pamahalaan na i-realign ang mga pondo para gamiting pagtugon sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -