Pompeo, Locsin nagka-usap kaugnay sa pagbabago sa US policy hinggil sa maritime claims sa South China Sea —US State Dep’t

0
13

Kinumpirma ng US State Department ang pag-uusap sa telepono nina US Secretary of State Michael Pompeo at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Tinalakay sa naturang pag-uusap ang pagbabago sa US policy hinggil sa maritime claims sa South China Sea.

Tiniyak ng US State Department na buo ang suporta ng Amerika sa Southeast Asian Coastal States sa pag-gigiit ng kanilang karapatan at interest na salig sa international law.

Tinalakay din ang posibleng mga oportunidad para sa US-Philippine maritime cooperation.

Napag-usapan din nina Locsin at Pompeo ang usapin hinggil sa strong economic, security at people to people ties ng dalawang bansa.