Radio Philippines Network
Headlines National News

Political dynasty party-list system ipinanawagan huwag suportahan

Nanawagan si dating CHR Chairperson Loretta Ann Rosales na huwag suportahan ang political dynasty sa party-list system.

Ayon kay Rosales, miyembro ng Grupong No to Kamag-anak Incorporated, 30 party list groups ang may koneksyon sa political dynasty.

Naglabas din ng sariling bersyon ang grupo ng matrix ng party-list na nag uugnay sa mga political families o official governments.

Binigyang diin ni rosales na ang party-list ay dapat na para sa totoong grupo na nasa laylayan at hindi mga dating pulitiko o mga kaanak ng mga pulitiko at nagtayo ng party-list.

Solusyon din aniya ang party list para maiwasan ang dahas, kahirapan at hindi maideklara ang martial law.

Kaya’t nananawagan ang grupo na mahigpit na pag isipan ang ibobotong party-list group na dapat ay totoong nangangailangan ng representasyon sa lipunan.

—–

Related posts

PHIVOLCS itinangging nagbuga ng usok ang Mt. Pinatubo

Powered by DWIZ

Mahigit 17.1-M pamilya nakatanggap na ng cash aid sa ilalim ng SAP

Powered by DWIZ

PhilHealth dapat na magkaroon ng malawakang balasahan —Sen. Drilon

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More