Saturday, May 4, 2024

Police visibility sa mga paaralan at unibersidad mas palalakasin pa ng DILG

- Advertisement -

Mas palalakasin pa ng Department of Interior and Local Government o DILG ang pagmomonitor ng mga otoridad sa lahat ng mga paaralan at unibersidad sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ilan lamang ito sa mga ipatutupad nilang hakbangin upang matiyak na mapo-protektahan ang mga kabataan laban sa mga isinasagawang pagrerekrut ng mga rebeldeng komunista.

Bukod dito, nais rin ni Año na muling rebyuhin ang kasunduan ng DILG at ng mga unibersidad at paaralan sa bansa hinggil sa pagtatalaga ng mga pulis sa loob at labas ng campus.

Malaki ang paniniwala ng kalihim na ang pagpapaigting ng presensya ng mga otoridad sa bawat campus ay makatutulong upang matuldukan na ang tumataas na bilang ng mga estudyanteng narerekrut ng mga komunistang grupo.

Paglilinaw naman ni Año, hindi lamang ipatutupad ang patakarang ito sa mga red areas o mga probinsya kundi maging sa mga white areas o mga lungsod.

Sa impormasyon aniya na kanilang natatanggap, target ng mga rebelde ang mga eskwelahan, factory o pagawaan, mga kumpanya at iba pa.

Paiigtingin din aniya ng pamahalaan ang pakikipag ungyan sa mga namamahala sa mga eskwelahan at sa mga estudyante upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman kaugnay sa modus operandi ng mga rebeldeng komunista.

Base sa report ng DILG, pumapalo sa 500 hanggang 1,000 ang mga nahihikayat ng rebeldeng grupo sa loob lamang ng isang taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img