Police visibility sa EDSA muling paiigtingin

0
36

Muling paiigtingin ng PNP – HPG o Philippine National Police Highway Patrol Group ang visibility ng kanilang mga pulis sa kahabaan ng EDSA lalo na tuwing rush hours.

Ayon kay HPG Director Brig. General Eliseo Cruz, tutulong na rin sila sa pagmando at pagkontrol ng trapiko sa EDSA.

Bahagi na rin aniya ito ng kanilang proactive measures kontra sa lahat ng uri ng krimen na posibleng mangyari sa EDSA.

Sinabi ni Cruz, nasa 170 mga HPG personnel, 20 mobile cars at 36 na mga HPG motorcycle ang ipinakakalat na nila sa iba’t ibang ng EDSA.