Ipinaalala ni Joint Task Force Shield Commander Lt.Gen. Guillermo Eleazar sa mga police commanders na obligasyon ng mga ito na tiyaking magiging balanse ang pagbabalik ng lokal na ekonomiya at seguridad pangkalusugan ng publiko ngayong may pandemya.
Ito ay kasunod narin ng pag-aatas ni Eleazar sa mga police commanders na maghanda na sa muling pagbubukas ng mga tourist spots sa bansa.
Ayon kay Eleazar, maaring maging motivation rin ng ibang LGU ang ginawa ng tagaytay at Baguio City upang buksan na rin ang kani-kanilang tourist spots upang manumbalik ang lokal na ekonomiya na matinding naapektuhan dahil sa pandemya.